COVID-19 vaccine para sa edad 5-11, sisimulan na sa Pebrero 4

COVID-19 vaccine para sa edad 5-11, sisimulan na sa Pebrero 4

INANUNSYO ng pamunuan ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na uumpisahan nang magturok ng COVID-19 vaccine sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Ayon kay NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa ginanap na Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, handa na ang pamahalaan na isagawa ito.

“Prepared na po tayo sa vaccination ng five to 11 years old. Last January ay nagkaroon po tayo ng live orientation ng pagbabakuna ang US Embassy ng mga bata sa ganitong edad. And then later, nagkaroon po ng mga follow-ups, similar orientations to other regions. Makaka-assure po tayo, Mr. President, sa ating mga magulang na very safe ang ating gagamitin na bakuna dahil ito ay mas mababa ang formulation na angkop para sa mga bata. Kaya kung makikita po natin sa vials may color coding, ‘yung orange at saka po ‘yung purple. Iyong orange po para po sa five to 11 years old,” pahayag ni Galvez.

Sinabi ni Galvez na mag-iisyu ngayong linggo ng memorandum guidance ang gobyerno patungkol dito.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng town hall meetings simula kahapon Enero 24 na tatagal hanggang 28 para sa gagawing rollout ng pediatric vaccination sa 5 to 11 years old age bracket.

Sa Pebrero 2 naman ang tentative arrival ng formulated low-dosing Pfizer COVID-19 vaccine na gagamitin sa mga bata.

Iro-rollout naman sa dalawang yugto ang pediatric vaccination para sa lima hanggang labing isang taong gulang na mga bata.

Sa first phase, isasagawa ang pilot run sa isang hospital-based at one local government unit (LGU)-based vaccination site kada syudad na nasa loob ng National Capital Region (NCR).

Para naman sa second phase, palalawakin pa ang naturang bakunahan sa iba’t ibang vaccination centers sa NCR at iba pang rehiyon pagkalipas ng isang linggo.

“So we will open both hospital and non-hospital vaccination sites and we will expand the sites further to other regions after one week. Again, we will open our vaccination rollout sa February 4, Friday, at ang mga sumusunod ay ang ating preparasyon sa mga ating vaccination,” ayon kay Galvez.

Batay sa pinakahuling datos ng NTF, ipinapakita rito na 7,246,430 adolescents, o mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17, ang ‘fully protected’ na laban sa sakit ng COVID-19.

Target naman ng gobyerno na makapagbakuna ng lagpas 39.41 million ng mga batang nasa zero hanggang 17 years old.

Follow SMNI News on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.