COVID-19 vaccine storage facility sa Sta. Ana, Manila, nakatakdang pasinayaan sa katapusan ng Enero

BAGO ang katapusan ng buwan ng Enero ay nakatakdang pasinayaan ng Manila City Government ang COVID-19 vaccine storage facility sa Sta Ana, Manila.

Matatandaan kahapon ay binisita ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang ginagawag storage facility para sa mga COVID-19 vaccine na matatagpuan sa Sta Ana Hospital sa Lungsod ng  Manila.

Kasabay sa inspection kahapon ang pagdating ng siyam na COVID-19 vaccine refrigeration units na dumating na rin sa naturang hospital bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna.

Inaasahan din na bago matapos ang buwan ng Enero ay makukumpleto na ang labing dalawang refrigeration units bilang COVID-19 vaccines storage machines sa Lungsod ng Maynila.

Ang Sta. Ana Hospital ay tumanggap ng 5 limang Haier HYC-390 refrigeration units kung saan ilalagay ang mga vaccine doses mula sa AstraZeneca at Sinovac.

Apat naman na biomedical freezers ang dumating sa naturang hospital kung saan may kakayanan na i-  imbak ang Johnson&Johnson at Moderna vaccine vials.

Ang paparating na tatlong set -86 degrees Celsius ULT freezers mula sa Haier kung saan may kakayanan na mag-imbak ng Pfizer vaccine vials.

Bukod sa COVID-19 vaccines refrigeration units inaasahan din ang pagdating ng 50 transport coolers kung saan ilalagay din ang mga bakuna habang vaccination operation ng Manila City Government ay nagpapatuloy.

Ayon kay Yorme nasa P9-milyon ang halaga sa mga naturang refrigeration units para sa bakuna.

SMNI NEWS