COVID-19 vaccines, siguraduhing protektado — Senator Go

INAASAHAN ilang araw na lamang ay darating na ang COVID-19 vaccines na ipinangako ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay nagpaalala naman si Senator Christopher Bong Go sa evaluators ng cold storage facilities na kailangan hindi masira ang mga vaccine upang masiguro ang effectivity ng mga ito.

Ayon kay Senador Go, kailangang sundin ang temperature requirement ng isang bakuna upang hindi ito masayang lang.

Dagdag pa ng senador, iniinspeksyon ngayon ng mabuti ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang mga cold storage facilities.

Tiniyak rin ni Go na hindi ilalagay sa ordinaryong cold storage facility ang mga bakuna.

Ito ay para masiguro na hindi masisira ang COVID-19 vaccines na inaasahang darating ilang araw mula ngayon.

Samantala, matatandaang malaking pinsala ang iniwan ng malakas na pagbaha at pag-ulan na dala ni  Bagyong Ulysses noong Nobyembre nakaraang taon.

Ang bayan ng Montalban sa Rizal ang isa sa mga pinakaapektado ng bagyo.

Dahil dito, wala nang naisalba na gamit ang ilang residente matapos ang sakuna.

Kaya naman personal na nag-abot ng ayuda si Sen. Christopher Bong Go sa isang libong households ng Brgy. San Jose na biktima ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Nakatanggap ang mga residente ng food packs, grocery packages, face masks, face shields at vitamins kontra COVID -19.

Nagbigay rin ng 25 tablets ang butihing senador sa mga beneficiaries na makatutulong sa mga estudyante lalo na sa kanilang online learning.

Maliban ditto, nakatanggap rin ng 25 bisikleta ang ilang mga residente mula kay Senador Go.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga taga Brgy. San Jose kay Senador Christopher Bong Go na kahit sa kaliwa kanang schedules nito ay nagbigay pa rin ang senador ng panahon na tumulong sa residente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.