WALA na sa top 10 ang COVID-19 bilang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan nasa top 11 na lamang ito bilang pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa sa unang 9 na buwan ng taong 2022.
Matatandaan na noong taong 2021 ang COVID-19 ay nasa ikatlong sanhi ng mortality sa mga Pilipino.
Ayon sa PSA, ang registered deaths dahil sa COVID-19 ay nasa 13, 883 o 3.3% lamang ng total registered deaths mula January hanggang Setyembre 2022.
“COVID-19 with virus identified” was the 11th cause of death with 9,749 cases or 2.3% of the total death.”
“Meanwhile, deaths due to “COVID-19 with virus not identified” accounted for 4,134 or 1% of the deaths last year, making it the 19th leading cause of mortality,” pahayag ng PSA.
Welcome naman para sa DOH ang bagong development na ito kung saan bumababa na raw ang bilang ng namamatay sa atin dahil sa COVID-19.
Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, manageable ang mga hospital admissions at kakaunti lang ang nakararanas ng malubhang karamdaman dahil sa virus.
Dahil dito, ayon kay Vergeire, bumalik na sa dati ang death trends sa bansa kung saan sakit sa puso ang nangungunang dahilan ng kamatayan sa bansa.