COVID test rule, pinaluwag ng Sabah para sa international travellers

COVID test rule, pinaluwag ng Sabah para sa international travellers

PINALUWAG ng estado ng Sabah, Malaysia ang COVID test rule para sa mga international traveller.

Inihayag ni Local Government and Housing Minister Masidi Manjun na ang mga international traveller na papasok sa Sabah ay binibigyan ngayon ng option na sumailalim sa COVID-19 test sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Masidi Manjun, ang mga manlalakbay ay maaring pumili kung kukuha kaagad ng COVID-19 test sa kanilang pagdating.

Aniya, ang naturang panuntunan ay sapilitan para sa mga manlalakbay at naaayon sa umiiral na federal regulation.

Sa ngayon, patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa estado at inaasahang mapapanatili ito habang papalapit ang pagdiriwang ng Hari Raya sa bansa.

Samantala, nakatakdang ianunsyo bukas ng Ministry of Health ang karagdagang COVID-19 standard operating procedure na ipatutupad nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter