CPP, inirekomenda sa negotiating panel ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire

INIREKUMENDA na ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison sa negotiating panel ng Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire sa gobyerno.

Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ni UN Secretary General Antonio Guterres na agarang global ceasefire sa gitna ng paglaban ng buong mundo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Sison, ititigil muna ng New Peoples Army (NPA) ang lahat ng opensiba at magpopokus muna sa pagsisikap na mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Sa kabila ng ceasefire, sinabi ni Sison na mananatiling alerto at handa ang NPA sa anumang pagsalakay ng tropa ng pamahalaan.

Magugunita na noong Marso 15 ay idineklara ni Pang. Rodrigo Duterte ang tigil putukan at ipinag-utos sa lahat ng government forces na itigil ang kanilang operasyon laban sa komunistang grupo hanggang Abril 15 upang masugpo ang COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.