HUMIHINA na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa isla ng Panay.
Ito’y matapos dalawa sa top leaders nito ang naneutralize ng tropa ng pamahalaan noong 2021.
“When neutralized it could be killed, it could be surrendered, it could be apprehended or captured. They could no longer go back to their movement,” ayon kay Capt. Kim L. Apitong, officer-in-charge ng 3rd Infantry Division (3ID) Public Affairs Office.
Kabilang sa naneutralize si Joven Ceralvo alias Lex, commanding officer of the Front Operational Command at deputy secretary ng Southern Front, Komiteng Rehiyonal Panay; at si Reynaldo Bocala alias Russ/Bading, chief regional finance bureau ng Komiteng Rehiyon-Panay.
Isa si Ceralvo sa mga nasawi noong Disyembre 1 sa operasyon ng tropa ng pamahalaan sa hideout ng NPA sa Sitio Burak, Barangay Alimodias, Miagao sa Iloilo.
Nasawi naman si Bocala sa shootout ng tropa ng militar noong Mayo 28 sa Pavia sa Iloilo.
Nagdulot ng malaking epekto sa organisasyon ang operasyon ng militar noong Disyembre 1 dahil bukod kay Ceralvo, walo pang rebeldeng NPA ang nasawi mula rito.
“We hit them directly. We targeted them in such a way that they were surprised,” ayon kay Apitong.
Ayon sa 3ID, nasa kabuuang 142 CPP-NPA-NDF ang naneutralize sa Western at Central Visayas simula nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.
Mula sa bilang, 71 ang sumuko, 49 ang nasawi, 14 ang na naaresto, at 8 ang nahuli.
“We hit hard on the battle of perception and at the level of combat operations,” ani Apitong.
Aniya, malaki ang naibigay na suporta ng komunidad na siyang nagbibigay ng impormasyon para maging matagumpay ang kanilang hakbang laban sa insurhensiya.
Nawalan na rin ng kontrol ang terrorist group sa mga barangay na dati ay naging kanilang karamay.
“We have already cleared the barangays. There are only some sitios and parts of some barangays where they threatened and harassed residents,” dagdag ni Apitong.
Nailista bilang terrorist group organization ang CPP-NPA ng United States, European Union, United Kingdom, Australi, Canada, New Zealand, at ng Pilipinas.