MULING kinundena ni Pastor Apollo C Quiboloy ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sa kanyang programang Sounds of Worship nitong Linggo, bilang isang spiritual leader din ay hinimay ng butihing Pastor ang dahilan kung bakit galit ito sa teroristang grupong CPP-NPA at tinawag nga ang mga itong bilang mga anaconda ng Pilipinas.
“The atrocities they have done to our country and to our people is unspeakable evil. That’s those that will really join them, whether in their armed group or in their party, are party to their blood that they spilled of innocent people in the Philippines, including us in the Kingdom. Kaya hindi niyo po ako masisisi na nakita ko ito’y gawa ni Satanas. Kasi ang Kingdom members naapektuhan din. Tayo, pinagbantaan tayo nang maraming beses. Mas makapangyarihan daw ang kanilang calibre 45 baril kaysa Bibliya. You heard my story how these people have killed brutally those that they didn’t, are against them or are not with them. Just by a mere suspicion, they can kill you. They’re snakes in the Philippines. Mga Anaconda ‘to,” pahayag ni Pastor Apollo.
Sinabi ni Pastor Apollo, naririnig ng Diyos ang daing ng mga inaapi at mga nawalan ng hustisya dahil sa mga karumal-dumal na karahasan ng CPP-NPA-NDF, na kumitil na ng libu-libong buhay sa higit limang dekada.
“Divine intervention happens is even recorded in the Word of God how Divine intervention always happens when people pray. When people are groaning for justice, Divine intervention will come. Look at those mothers who are crying, because their children were blinded while in school, and they were recruited and brought up to the mountains to bear arms against the government, they all died young, thinking that what they were doing is right. Is that not oppression? Those mothers that are crying. Their cries were heard in heaven and God intervene in their behalf,” ayon kay Pastor Apollo.
Matataandang noong nakaraang linggo, kasunod ng pagbasura ng Manila Regional Trial Court sa petisyong magdedeklara sana sa CPP-NPA bilang isang teroristang grupo, ay umani ito ng batikos mula sa taumbayan, partikular na mula sa butihing Pastor na kilalang lumalaban sa nasabing teroristang grupo.
At nitong Linggo nga, muling idiniin ni Pastor Apollo na sinomang kampi sa mga teroristang grupo ay itinuturing na kaakibat nila.
“When you know something is not right and you’re still doing it, then judgment will fall upon you, if not of this earth, it’s from heaven, my brothers and sisters. That’s why I hate this Godless ideology that wants to suffocate us and wants to really drain the blood of this nation and rule over us. So kayong kampi dyan sa CPP-NPA-NDF, maging nasa judiciary kayo, nasa Kongreso, nasa Senado, hindi kayo libre sa dugo ng mga taong pinatay ng NPA, kaakibat kayo,” ayon pa sa butihing Pastor.
Kaugnay rito, binigyang-diin din ni Pastor Apollo na may mas mataas pa na hukom na tunay na nakikinig sa daing ng mga inaapi at hindi ang ilang mga hukom na binabaluktot ang hustisya at pumapabor sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF.
“Kinsa mang mataas dito ang maghuhukom? Ang judge, mga judges. Pagka binaluktot daw ang hustisya ng mga hukom na akala nila mataas sila, sabi ng Diyos, “huwag kayong magtaka, sapagka’t mayroon pang mas mataas sa kanila at Siyang pinakamataas sa kanilang lahat.” He is there Higher than them. Thou seest the oppression of the poor, and violent perverting of judgment and justice in a province, marvel not at the matter: for he that is higher than the highest regardeth; and there be higher than they,” ayon kay Pastor Apollo.
Saksi mismo si Pastor Apollo sa kawalan ng katarungan na ginagawa ng CPP-NPA-NDF sa mahigit 50 taon na panloloko sa bansa.
Kaya naman, ani Pastor Apollo, naniniwala siyang ang Diyos sa langit ay nakikinig sa dalangin ng mga inaapi.
“Mga judges, na binabaliktad niyo ang hustisya, makinig kayo. Kayong mga kampi sa mga kampon ni Satanas na CPP-NPA-NDF. God is the judge. He putteth down one and setteth up another. I’m here. I’m here as a witness to the injustice that is being done to society, to people who are crying of justice. When you are crying for justice because injustice has been done then the Father, when you pray and when these people pray, the Father will hear them,” ayon kay Pastor Apollo.
Paalala ni Pastor Apollo sa mga opisyal ng gobyerno na kakampi ng CPP-NPA-NDF na may Diyos sa langit na nagmamasid sa bawat desisyon ng mga ito sa pagbaluktot ng hustisya at pagpabor sa mga terorista.
“Judge, senadora, kongresistang mga ahas, makinig kayo, may Diyos sa langit, sinabi ko sa inyo. Nagmamasaid Siya sa atin. Isali ko na ang sarili ko, kayong mga nang-aakusa sa akin na hindi tama, at yung mga tumatanggap ng akusasyon na hindi tama, at ginagawa nilang tama ang hindi tama, tatamaan kayo,” aniya pa.
Kaugnay rito, naniniwala rin ang butihing Pastor na isang divine intervention ang pagdating ng broadcasting network na SMNI ngayon upang pabagsakin na ang CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng katotohanan.
“Napakaraming taong umiiyak sa Pilipinas. So many, many families are crying for justice against these three-headed monster CPP-NPA-NDF. You think SMNI is not a divine intervention. SMNI is a divine intervention. For the truth to be told, because all those who have been given privilege and power to speak the truth, I’m talking about the mainstream media. They have done injustice also. Instead of delivering the people from the death and … of this three-headed monster, they even colluded with them,” ayon sa butihing Pastor.
Kaya naman, sa pamamagitan ng SMNI, naliliwanagan ang tao mula sa kadilimang dulot ng kasinungalingan ng mga komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na umukit na ng kasaysayan sa bansa.
“Huwag kang magkakalat ng kasinungalingan. Biro ninyo ang kasinungalingan, noong binomba ang Plaza Miranda na si Marcos daw ang gumawa noon. Ito ngayon lumitaw si Ka Ramon, Peter Mutuc, inutusan ng dios-diosan na nasa Netherland si Danny Cordero upang magtapon ng granada doon sa Plaza Miranda. Itong tao na ito noong hindi na niya matiis ang kanyang konsensya, umiyak siya sa dibdib ni Peter Mutuc, at noong nalaman nilang sila’y nagsusumbong, anong ginawa ng mga ahas na ito? Ginapos si Danny Cordero, tapos dinala tapos pinatay para hindi na siya magsabi. Tingnan niyo yung false report. And that was the reason why they had an uprising because of this false report and it was then Marcos who did that. Now the truth is coming out, thou shalt now make a false report, put thine not hand with the wicked to be an unrighteous witness. Thou shalt not follow a multitude to do evil neither shalt thou speak in a cause to decline after many to wrest judgment,” ayon kay Pastor Apollo.
Dagdag pa rito marami rin aniyang mga kabataan ang nalason ang utak na gawa ng teroristang CPP-NPA-NDF.
“Katong mga nanga-poison na. Yung mga napo-poison na mga kabataan doon, aba’y doon nag-rally, doon sa loob pa ng hotel na kung saan may pagtitipon. Nagkapit bisig sila nagsisigaw, inaagaw palagi ang hustisya…sila ang matuwid, Martial law, ganoon ganoon. For 53 years you’ve been poisoning the young people of this country. Tingnan niyo, tingnan niyo nakakahiya. Tingnan ninyo, di ba? Pag pinasukan ka ng poison ni Joma Sison ganyan ang gagawin mo magiging walang hiya ka, magiging bastos ka, magiging walang hiya, magiging wala kang modo. Tingnan mo. Wala namang katuturan. Martial law, martial law, pero biktima ng NPA for 50,000 ay wala silang sinasabi. Yung biktima pala namin dito sa Kingdom? Ilan lang yun ah. Tingnan niyo pagka pinasukan ka ng Satanas na dios-diosan nilang nasa Netherlands. Tingnan niyo ginagawa, kabastusan lahat, di ba mga kapatid?” ani Pastor Apollo.
Kaya naman, upang matugunan din ang ginawang paninira ng CPP-NPA-NDF sa mga kabataang Pilipino, hinikayat din ni Pastor Apollo ang mga ito na sumali sa Keepers Club Int’l, isang non-government organization na binuo ng butihing Pastor upang lalo pang mapalapit sa Diyos ang mga kabataan at hindi maging miyembro sa komunistang teroristang CPP-NPA-NDF.
“Kayong mga nasa paaralan, nire-recruit ng mga ahas na ito, nagkukunwari sila, may mga front-front yan sila, may mga organisasyon sila…. Huwag kayong magpa-recruit mga kabataan, maawa kayo sa sarili niyo. Wala kayong kapupuntahan. They’re poisoning you for a fake revolution that did not happen and it will never happen. The end game is you die in the mountain very young without a cause and they said you have a cause, no you don’t have a cause. Your cause is unrighteous. God in heaven looked at you that is unrighteous cause that has caused suffering into this nation. Your time is over. You will not succeed. Wag na kayong sumali. Kung sumali man kayo sa isang mabuting organisasyon, Keepers Club International sa mga paaralan, Keepers Club International,” ayon sa butihing Pastor.
Samantala, muling nanawagan din si Pastor Apollo sa mga natitirang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumuko na sa pamahalaan at magbagong-buhay para sa kaayusan ng ating bansa.
“Sumuko muna kayo sa pinakamalapit na battalion ng Philippine Army. Sumuko kayo, mabait sila, hindi kayo nila parurusahan o kahit kurutin. Tutulungan pa kayo, bibigyan pa kayo ng magandang hanap-buhay at pagkatapos magiging mapayapa kayo, tapos makinig kayo sa akin. Kung maaari magpa-member na kayo sa Kingdom para tuluy-tuloy ang pagtuwid ng inyong mga buhay. Kayong mga na-poison, mga senador ba kayo, mga kongresista ba kayo – itong tatlong ahas sa Kongreso, magsisi kayo pwede pa, mga Judiciary, mga nasa hospital, mga kasimbahanan na napasok at naging ahas na rin, mayroon pa kayong habang buhay pa kayo, sumuko na kayo. Sumuko kayo sa pamahalaan kasi mga rebelde kayo. Isuko ang mga baril ninyo, tapos bibigyan kayo ng ating pamahalaan ng isang magandang pagkakataon na mabuhay nang mapayapang muli,” ani Pastor Apollo.
Hinikayat ni Pastor Apollo ang lahat ng mga Pilipino na makinig sa SMNI at huwag makinig sa ibang media partikular na sa usapin ng CPP-NPA-NDF.
“And then makinig kayo sa ‘kin, makinig kayo sa SMNI, huwag kayong makinig sa iba. Malalason lang ang utak ninyo, lalo na sa usapin ng CPP-NPA-NDF, wag kayong makinig sa ibang media. Lalasunin lang ang mga utak niyo. Dito kayo sa SMNI, ang totoo ang siyang ipinangangalandakan namin dito. Ang iba, sinabi ko na sa kanila, ito ganito ang Kingdom, this is how the Kingdom is. Hindi sila naniniwalang, “Ah relihiyon din yang sa iyo, sabihin mo na anong relihiyon…ang relihiyon ko dito katotohanan. Truth is my religion, Kaya ang tagline ng SMNI ay truth that matters. Katotohanan dito, hindi kami natatakot magsalita ng totoo, kung ano ang totoo, ikabubuti ng tao, ikabubuti ng bansa. Ikabubuti ng pamayanan, yan ang aming tatayuan at yan ang aming ipaglalaban,” wika ni Pastor Apollo.
Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo kung bakit niya ganoon na lang kamahal ang bansang Pilipinas at sinabing mapalad ang bansa na ang Diyos ang Panginoon kaysa sa ideolohiyang walang kinikilalang Diyos katulad ng sa CPP-NPA-NDF.
“There is a purpose for the choosing of this, the Philippines as the New Israel. It is for the Father’s righteousness through the Appointed Son to be implemented as His standard all over the world. Psalm 33:12, blessed is the nation whose God is the Lord: and the people whom he hath chosen for his own inheritance,” ayon sa butihing Pastor.