NABIGO ang ilang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang nakatakda sanang extortion activity sa Sitio Pinagtablahan, Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna.
Ito ay matapos magsumbong ang mga residente sa mga ginagawang pangingikil sa kanilang mga kabarangay.
Sa pakikipagtulungan ng 1st Infantry Batallion sa ilalim ng 2nd Infantry Division, isang security operation ang ipinatupad sa Sitio Pinagtablahan para tugisin ang mga miyembro ng CPP-NPA.
At habang tinutugis ang mga armado matapang itong nakipagbarilan sa militar na tumagal ng 15 minuto.
Ang mga armadong grupo ay pawang miyembro ng Platun 2, Kilusang Larang Gerilya Narciso ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
“The report turned out to be positive as the operating troops encountered more or less 15 communist NPA terrorists (CNTs) at Sitio Pinagtablahan, Brgy. Magsaysay, Siniloan, Laguna on Sunday morning. The firefight lasted for about 15 minutes then the enemy evaded the government forces. The terrorists belong to Platun 2, Kilusang Larang Gerilya Narciso of the Southern Tagalog Regional Party Committee,” pahayag ni Lt. Col. Danilo Escandor ng Philippine Army.
Batay sa datos ng militar, isa ang namatay sa nasabing engkwentro habang wala namang nasawi sa hanay ng militar.
Narekober naman ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng armas, kabilang dito ang isang M16 Rifle at 3 backpacks.
Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra CPP-NPA-NDF na gagawin nila ang lahat upang mapigilan ang pamamamayagpag ng CPP-NPA sa bansa.
“The AFP and concerned agencies under the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) are addressing the resource generation of the Communist Terrorist Group (CTG) to prevent them from recruiting new members and stopping their recovery efforts,” ayon kay Col. Jorry Baclor, Chief ng AFP Public Affairs Office.
Samantala, nito lamang Lunes narekober ng puwersa ng pamahalaan ang ilang uri ng armas sa boundary ng Sitio Buntod, Buenasuerte at Brgy. Lampuyang Pio V. Corpus sa Masbate.
Narekober ang nasabing kagamitan ng NPA mula sa isang combat operation sa pagitan ng 2IB, tumagal ang engkwentro ng kalahating oras bago ito humupa.
Muling ipinaalala ng AFP na hangga’t kayang tapusin ang problema ng terorismo at kumonismo sa bansa, gagawin nila ang lahat upang malipol ang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA-NDF.