TAAS-noong inihayag ni Major General Ernesto Torres Jr., commander ng 10th Infantry Division, ang sinabi ng dating rebelde ng New People’s Army (NPA) na “game over na kami.”
Sa naganap na press conference kahapon na pinamagatang “Game Over” ng Armed Forces of the Philippines, inihayag ni Major. Gen. Ernesto Torres Jr. commander ng 10th Inafantry Division ang tagumpay na nakamtan sa ginawang pagbuwag ng 1003rd Infantry (RAPTOR) Brigade sa ilalim ng 10th Infantry (AGILA) Division, Philippine Army, laban sa Sub-Regional Committee 5, Southern Mindanao Regional (SMRC) ng CPP-NPA sa Southern Mindanao.
Isa sa dahilan kung bakit nabuwag ang pwersa ng komunistang terorista sa Mindanao ay dahil sa tulong na ibinibigay ng mga former rebels bagay na nagpatibay at nagbago sa takbo ng laban sa insurhensiya.
Dagdag pa ni Torres na hayag na ang pagwawakas ng komunistang teroristang grupo sa lugar ng Eastern Mindano dahil sa determinasyon ng mga dating rebelde ng makamtan ang kapayapaang matagal nang inaasam.
Kaya naman taas noong sinibi ni General Torres mula sa dating rebelde na “game over na ang laban ng komunistang teroristang grupo sa Southern Mindanao.
Isa sa dahilan kung bakit sinabi ng mga rebelde na game over na sila ay dahil sa pagkawala ng matataas na lider sa Mindanao na inaasahan ng mga kadre para ipagpatuloy ang laban gaya nalang nila Ka Bok at Ka Oris.