CPP-NPA, tiniyak ang ligtas at malayang pagbiyahe ng COVID-19 vaccines

TINIYAK ng New People’s Army (NPA) ang ligtas at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga COVID-19 vaccine.

Ito ang tugon ng Communist Party of the Philippines sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag galawin ang COVID-19 vaccine.

Sa isang pahayag, sinabi ni CPP Information Officer Marco Valbuena na magbubukas ang NPA ng humanitarian corridor para sa malayang transportasyon ng COVID-19 vaccine sa mga guerrilla base areas at zones.

Gayunman, iminungkahi ng CPP sa gobyerno na dapat pangasiwaan ang transportasyon, distribusyon at inoculation drive ng COVID-19 vaccine lalo na sa mga interior area ng International Committee of the Red Cross, Philippine Red Cross at iba pang civilian humanitarian agencies.

Habang ang mga non-red cross vehicles naman aniya na gagamitin bilang COVID-19 vaccine transporter ay dapat may malinaw at maayos na mark ng red cross sa puting background.

Mariing iminungkahi ng CPP na huwag ibiyahe ang COVID-19 vaccines ng sasakyan ng AFP lalo na kung hindi ito propery marked at may mga lulan na armadong sundalo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.