NANINIWALA si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Usec Lorraine Badoy na walang dapat na ipagdiwang na anibersaryo ang Communist Party of the Philipines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.
Kasunod ito ng nakatakdang anibersaryo ng komunistang grupong CPP-NPA-NDF ngayong darating na Disyembre 26.
Ayon kay Badoy, matagal nang naghihingalo ang CPP NPA sa bansa at inihalintulad pa ito sa kondisyon sa ICU.
Aniya, kailangan nang buwagin ang NPA at mawala sa lalong madaling panahon.
Bukod kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na kumokondena sa CPP-NPA, isa rin si Badoy sa matapang na kumokuwestiyon sa legalidad at patuloy na pananalasa ng kasamaan ng grupo sa bansa.
Kasabay nito ang pasasalamat ni Badoy sa SMNI News partikular na sa Laban Kasama ang Bayan program kung saan isa siya sa main host ng anti insurgency TV program ng SMNI ni pinamumunuan ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Kahapon, isang lightning rally ang isinagawa ng iba’t ibang anti communist group sa Maynila upang kondenahin ang patuloy na pananalasa ng CPP-NPA sa bansa.
Anila, hindi sila titigil sa panawagan sa taumbayan na huwag suportahan ang anumang aktibidad ng mga makakaliwang grupo.
Partikular na ipinanawagan ng mga ito ang tahasang pag-boycott sa mga kandidato ng CPP NPA na sina Neri Colmemares, Kabataan Partylist, Anak Pawis, Bayan Muma, ACT Teachers at Gabriela Partylist.
Ilang araw mula ngayon nakatakdang magdaos ng anibersaryo ang CPP NPA sa bansa kasabay ito ang paghihigpit ng seguridad ng mga otoridad sa iba’t ibang panig ng bansa upang matiyak na walang karahasang mangyayari sa mismong araw ng kanilang anibersaryo.