Creamline Cool Smashers, pasok na sa semis ng PVL matapos na walisin ang PLDT

Creamline Cool Smashers, pasok na sa semis ng PVL matapos na walisin ang PLDT

NAKUHA na ng Creamline Cool Smashers ang unang semis slot para sa 2023 PVL All-Filipino Conference matapos nitong lampasuhin ang PLDT High Speed Hitters.

Tinapos ng Cool Smashers ang 4-game winning streak ng PLDT sa loob lamang ng 3 straight sets na nagtapos sa iskor na 25-20,25-21, at 25-17.

Ikinatuwa naman ni Creamline head coach Sherwin Meneses na nakapasok na ang kanyang team sa semifinals at umaasa siyang mas ma-improve pa ang kanilang mga susunod na laban dahil back-to-zero na aniya ulit sila sa semis.

Pinangunahan nila Tots Carlos ang Creamline na nakapagbigay ng 18 at 17 points at nagdagdag naman si Jema Galanza ng 11 points.

Dahil sa panalong ito, bumuti na sa 6-1 win-loss record ang Creamline habang ang High Speed Hitters naman ay mayroong 4-2 record na kapantay ng F2 Logistics at Petro Gazz Angels.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter