Creamline Cool Smashers wala pa ring talo

Creamline Cool Smashers wala pa ring talo

NANANATILING unbeaten ang Creamline Cool Smashers sa nagpapatuloy na Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Sa kanilang laro nitong Martes ng gabi, nagwagi ang koponan sa iskor na 25-15, 25-19, at 27-25 laban sa Farm Fresh Foxies.

Sa first at second set, mabilis na pinayuko ng Creamline ang Foxies. Pagdating ng third set, naging dikitan ang laban ngunit nanaig pa rin ang Cool Smashers.

Dahil dito, pinalawig pa ng koponan ang kanilang winning streak sa siyam at nananatiling walang talo.

Tumulong sa panalo ng team si Jema Galanza na gumawa ng 15 points.

Samantala, hindi inaasahan ng koponan na magiging madali ang kanilang susunod na laban kontra PLDT High Speed Hitters. Gayunpaman, target nilang mapalawig pa ang kanilang sunod-sunod na panalo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble