PATULOY na pinatutunayan ng Creamline Cool Smashers ang pagiging defending champion sa nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference.
Sa laban ng koponan kontra Chery Tiggo Crossovers, nagwagi ang team via straight set win sa iskor na 25-17, 25-17 at 25-21.
Pinangunahan naman ni Bea de Leon ang panalo ng Creamline na may 13 points.
Dahil sa panalo ng team, napanatili nitong malinis ang kanilang record na may walong panalo at top seed sa eliminations standing.
Sunod namang makakalaban ng team ang Farm Fresh Foxies sa susunod na linggo.
Sa iba pang laro…
Dinomina ng Cignal HD Spikers ang Capital1 Solar Spikers sa kanilang laban sa iskor na 25-12, 25-15 at 25-17.
Pinangunahan nina Rochelle Lalongisip at Judith Abil ang HD Spikers na may tig-labing tatlong puntos.
Nag-ambag rin sa panalo ng koponan si Roselyn Doria-Aquino na may labing isang puntos.
Sa ngayon, nasa ikatlong pwesto sa standing ang cignal na may anim na panalo at tatlong talo.
Makakaharap naman nila sa next game ang Zus Thunderbelles.