HINDI man lamang nahirapan ang Creamline Cool Smashers sa laban nito sa Cignal HD Spikers ng nagpapatuloy na 2023 PVL All-Filipino Conference.
Ito ay matapos na talunin ng Creamline sa straight set ang Cignal sa iskor na 25-16, 25-21 at 25-15.
Nanguna para sa panalo ng Cool Smashers sina Michelle Gumabao, Tots Carlos at Jema Galanza na may 40 combined points.
Sinabi naman ni Galanza na ginagawa lamang nila ang lahat ng kanilang makakaya upang manalo sa laban.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Creamline matapos na dominahin ang laban nito sa Petro Gazz Angels na nagtapos sa iskor na 25-18, 25-20 at 25-22.