GANAP nang batas ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE More Act).
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukala kahapon, Nobyembre 11, 2024.
Layon ng batas ang makagawa o makapagbigay ng maraming trabaho at makapagpasok ng mas marami pang investors sa bansa.
Para makakaakit naman ng maraming investors ay ibababa ng batas ang corporate income tax sa 20 percent mula sa dating 25 percent.