Credit card ni Senador Sherwin Gatchalian, na-hack

IBINAHAGI ni Senador Sherwin Gatchalian na na-hack ang kanyang credit card.

Sa Twitter post, sinabi ni Gatchalian na ginamit ang kanyang credit card para umorder ng isang milyong pisong halaga ng pagkain sa pamamagitan ng isang food delivery service app.

Nagawa aniya ito ng hacker sa loob lamang ng isang oras.

Ibinahagi rin ng senador ang screenshot ng transaksyon gamit ang kanyang credit card.

Sinabi ni Gatchalian na maghahain siya ng police report upang maimbestigahan ang insidente at kanya rin aniyang kakausapin ang Food Panda.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.