Criminal Justice Sysem ng bansa, “perfectly working”- Senator Dela Rosa

Criminal Justice Sysem ng bansa, “perfectly working”- Senator Dela Rosa

BUMISITA sa Davao City si Senator Ronald ‘’Bato’’ Dela Rosa at tinalakay nito ang Criminal Justice Sysem ng bansa, na aniya’y perfectly working.

Sa panayam ng SMNI newsteam sa KJC compound ng Davao City, ilan sa mga tinalakay nito ang patungkol sa kasong isinampa ng ICC laban sa kasalukuyang admnistrasyon.

Inihayag niya ang ilan sa kanyang mga karanasan at ilan sa mga kasalukuyang issue kabilang na ang kaso na isinampa ng ICC laban kay Pangulong Duterte, ayon kay Senator Bato perfectly working ang Criminal Justice System ng bansa at naninniwala itong malulusutan ang naturang kaso.

Aniya walang dapat ikatakot at naniniwala ito na baseless ang naturang paratang ng International Criminal Court laban sa pangulo.

Ipinunto rin nito na walang nagaganap na supression ng Press Freedom sa bansa.

Samantala, muling ikinuwento ng senador na hindi niya planong tumakbo sa pinakamataas na position sa bansa.

Nagbigay ito ng mensahe para sa mga boboto sa darating na eleksyon.

Nilinaw din nito ang patungkol sa kanyang post kamakailan habang nasa Davao City Hall at patuloy na umaasa ang senador na maganap ang nararapat sa November 15.

Gayunpaman, nagpasalamat din ito kay Pastor Apollo bilang kaisa nila sa paglaban ng komunismo at sa tiwala nito sa kaniya at kasalukuyang administrasyon.

SMNI NEWS