Cristiano Ronaldo at Lionel Messi, magkikita sa isang friendly match sa Saudi ngayong buwan

Cristiano Ronaldo at Lionel Messi, magkikita sa isang friendly match sa Saudi ngayong buwan

MAGKAKAROON ng friendly match ang Paris Saint-Germain (PSG), ang koponan ni Lionel Messi at ang bagong football club ni Cristiano Ronaldo na Al Nassr sa January 19.

Gaganapin ang friendly-match sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang PSG ay pinagmamay-ari ng Qatar habang ang Al Nassr at ang Al Hilal, na kasama rin sa friendly match ay pinagmamay-ari naman ng Saudi Arabia.

Samantala, lumipat si Ronaldo sa Al Nassr kasunod ng pagsusumikap ng Saudi Arabia na mapaunlad ang football profile ng kanilang bansa.

Bilang paghahanda na rin ito ng Saudi Arabia sa posibilidad na isasagawang joint bid sa pagitan ng Greece at Egypt para sa 2030 World Cup. Lionel Messi

Follow SMNI NEWS in Twitter