AVAILABLE ang Croatia para sa mga libu-libong Pinoy na nagnanais magtrabaho bilang caregiver sa kanilang bansa.
Kasunod ito sa pagbubukas ng 18 senior care facilities doon.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang minimum na sahod ay posibleng aabot sa P62K kada buwan.
Hindi pa kasama rito ang overtime pay at iba pang benepisyo.
Sa ilalim ito ng special hiring program na nilagdaang Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Croatia.