ILULUNSAD ng Department of Tourism (DOT) ang isang cruise visa waiver program para mas mapalakas ang bansa sa global cruising.
Ayon ito kay DOT Sec. Christina Garcia-Frasco matapos umabot ng 125 ang cruise calls ng bansa noong 2023.
Maliban sa ilulunsad na programa, pauunlarin din ang mga port facility, palalawakin pa ang polisiya hinggil sa cruise tourism, at isusulong ang mas malakas na environmental conservation.
Ayon sa DOT, target ng pamahalaan na maging central hub ang Pilipinas sa Asya para sa lumalaking cruise industry.