AKSIDENTENG nakapag-transfer ang Cryptocurrency Exchange crypto.com ng halagang higit 10 milyong dolyar sa bank account ng isang Australian at hindi nalaman ang pagkakamaling ito sa loob ng 7 buwan.
Ang error na ito ay nangyari Mayo 2021 nang dapat ay magbabayad ang cryptocurrency.com sa isang Melbourne resident na si Thevamanogari Manivel ng 100 dolyar na refund.
Samantala, hindi nalaman ng kumpanya ang pagkakamaling ito at nakapaglagay ng aabot sa 10 milyon at higit apatnaraang libo sa kanyang bank account.
Ang transaksyon na iyon ay hindi nalaman hanggang nagsagawa ng audit ang kumpanya Disyembre 2021 at inilahad na may pagkakamaling nangyari 7 buwan ang nakalipas.
Samantala, hindi naman iniulat ni Manivel ang pangyayari at ginamit ang pera para bumili ng higit isang milyong 4-bedroom house na mayroong apat na bathroom, isang home gym at isang Cinema noong Pebrero 2022.
Kalaunan ay inilipat niya ang pag-aari ng mamahaling bahay sa kanyang kapatid na nakatira sa Malaysia habang ang ibang pera ay nagastos na o nailipat na sa ibang bank accounts.
Pebrero 2022 ay naglunsad naman ng ligal na mga aksyon laban sa magkapatid ang crypto.com at nag-utos ng freezing order sa ibang account ni Manivel.
Samantala, hindi naman rumesponde sa court orders si Manivel at kasalukuyang humahanap ng legal assistance.
Pero sa huling desisyon ay pinanigan ng Supreme Court sa Victoria ang kumpanya at nagpalabas ng order na kinakailangang ibalik ng magkapatid ang lahat ng pera, ibenta ang higit isang milyong bahay maging bayaran ang lahat ng interes mula nang magsimula ang court proceedings noong Pebrero.