CTG, kinondena ng isang tribo sa Davao del Norte

CTG, kinondena ng isang tribo sa Davao del Norte

MARIING kinondena ng Ata Manobo Tribe sa Talaingod, Davao del Norte ang pagsasamantala at pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) sa ilang miyembro ng Indigenous People (IP).

Ito ay matapos masawi ang isang IP na naging miyembro ng NPA sa engkwentro sa tropa ng gobyerno noong Pebrero 13 sa Baggao, Cagayan Valley.

Sa ulat ng 1st Civil Relations Group ng AFP Civil Relations Service, naihatid na ng C-295 aircraft ng Philippine Air Force ang mga labi ni Gigi Andel pauwi sa kanyang pamilya sa Sitio Tibucag, Brgy. Dagohoy, Talaingod, Davao del Norte.

Ayon sa pinsan ni Gigi, pumasok ang mga miyembro ng NPA sa kanilang barangay noong 2013 at sa pamamagitan ng propaganda laban sa gobyerno ay na-recruit nila si Gigi at iba pang miyembro ng kanilang tribo.

Nagpasalamat naman ang mga kamag-anak ni Gigi sa gobyerno para sa paghahatid ng kanyang mga labi upang mabigyan ng maayos na libing.

Follow SMNI NEWS in Twitter