CTGs, bangkarote na; Ika-54 anibersaryo, wala nang saysay –Ka Ramon

CTGs, bangkarote na; Ika-54 anibersaryo, wala nang saysay –Ka Ramon

BANGKAROTE na ang Communist Party of the Philippines (CPP) kaya wala nang dahilan upang magdiwang ng anibersaryo ngayong Disyembre 26.

“Wala silang dapat i-celebrate sa December 26. Talo na eh. Ano pang ise-celebrate mo?” ayon ni Peter “Ka Ramon” Mutuc, dating NPA Commander.

Ito ang maanghang na patutsada ni Peter Mutuc o alyas Ka Ramon sa paparating na selebrasyon ng ika-54 anibersaryo ng CPP sa Disyembre 26.

Sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ng dating commander ng New People’s Army (NPA) na magiging isang bangkaroteng anibersaryo ang mangyayari sa susunod na linggo.

“Yan ay magiging isang bangkaroteng anniversary. Bangkarote, hindi lang dahil sa namatay si Joma Sison. Sakin ha, wala na masyadong asim sa gulong idinulot nila ang pagkamatay ni Joma. Kasi talagang, ang aking pagtingin…matitindi na ang dagok,” ayon ni Peter Mutuc o alyas Ka Ramon, former CPP member.

Nagpaabot naman ng mensahe sa mga natitira pang myembro ng CPP-NPA-NDF ang magkapatid na Veluz, na parehong kumilos sa komunistang teroristang kilusan noong dekada ‘sitenta.

Una na rito si Angus Veluz, na dati ring History professor sa University of the Philippines – Manila. Mensahe niya sa kanyang mga naging kasama kabilang na rin ang mga estudyante sa UP, na irrelevant na ang CPP kaya naman dapat na itong tapusin.

 “Sa mga dati ko ring mga estudyante sa UP Manila at yung aking dating mga kasamahan, alam niyo na napaka anachronistic, irrelevant na, at nawalan na ng inspirasyon, yung maling inspirasyon at impluwensya yung ibinigay niyo kay Joma Sison. Yun lang ang aking panalangin at inaasam para sa ating sambayanan na tigilan na ang karahasan, pananakot, panlilinlang, lalong-lalo na sa ating mga kabataan, na tinawag nga nating na pag-asa ng bayan, at ganoon din sa mga panlilinlang at paggamit sa nakakaawang kalagayan ng indigenous people natin sa buong Pilipinas,” ayon naman kay Angus Veluz, Kilusang Pagwawasto ng Kasaysayan/ Former CPP Member.

Si Tess Veluz naman, mula sa pagiging komunista ay naging Kristiyano na ngayon ay nagpaalala na may hangganan ang lahat ng bagay at kailanman ay hindi kayang gapiin ng dilim ang liwanag.

 “May hangganan ang pagsisinungaling, ang paghahasik ng gulo, ang paghahasik ng armadong pakikibaka dahil hindi ang Diyos may akda niyan. Dalawa lang parte ng buhay – ang demonyo at ang Panginoon, Panginoong Diyos. Kung ang ginagamit ay karahasan, at panggugulo sa komunidad hindi po yung galing sa Panginoon. Dahil ang Panginoon ay ang Siyang nagtatakda, ng steward o tagapamahala ng bansa, ng bayan upang ito ay mamuhay nang maayos dito sa mundong itong kanyang ginawa, Kanyang nilikha. Kaya ang mensahe ko sa mga nandoon pa rin sa CPP, kayo ay maliwanagan na. Kasi hindi pwedeng sakupin ng dilim ang liwanag, pagkayo’y maliwanagan, lahat nagbabago ang buhay, ang kapaligiran, pag wala si Joma, maayos ang kanayunan, maayos ang pagtatanim, ang pangingisda, kahit sabihin pa nating may manggugulo, God is in control. Kayang kaya ng Panginoon na linisin ang dumi na gawa ng tao,” ani Tess Veluz, Kilusang Pagwawasto ng Kasaysayan/ Former CPP Member.

Nagpasalamat din ang magkapatid na Veluz sa pagkakataong ibinigay ni Honorary Chair Pastor Apollo C. Quiboloy at sa SMNI sa pagbibigay ng pagkakataon na mailahad nila ang katotohanan at pagkaroon nila ng inspirasyon na tapusin na ang panlilinlang ng CPP-NPA-NDF sa mamamayang Pilipino.

“Nagpapasalamat ako dahil merong isang tulad ni Pastor Quiboloy at ang SMNI na binuo niya na lumalaban talaga sa karapatan, kagalingan at tunay na kapayapaan at pag-unlad ng bansa natin. Kahit na alam kong maramig bumabatikos sa kanya at sa SMNI pero ito yung naging counter, alternative na media network na hindi sumunod sa daloy ng panlilinlang o pagtatakip noong kalahati ng katotohanan ng kasaysayan ng Pilipinas na dapat alam nating lahat. Maraming salamat po, mabuhay pa kayo, pagpalain pa kayo ng Panginoong Diyos, at sana wag kayong madadaan sa pananakot at mga kritisismo sa inyong hangaring maka-Diyos at maka-Bayan,” ayon kay Angus Veluz, Kilusang Pagwawasto ng Kasaysayan/ Former CPP Member.

“Nagpapasalamat ako kay Pastor Quiboloy at ang SMNI na nakilala lang namin ng aking mga kapatid nitong Covid lockdown. Approximately 3 years na kami ay na-inspire sa kanyang vision na ang transformation ng Pilipino ay nasa pagtalikod sa kasamaan, sa kasinungalingan, sa panlilinlang, dahil ito ang ginagamit ng kaaway, ng kadiliman, rulers of darkness upang tayo’y linlangin sa magandang kaayusan ng Panginoon. Ang SMNI ay isang bagong haligi ng pagbabago, at pagwawasto ng kamalian na nagawa ng kampon ng kadiliman. Maraming salamat sa SMNI, sa lahat ng bumubuo, lalo na kay Pastor Quiboloy,” wika ni Tess Veluz, Kilusang Pagwawasto ng Kasaysayan/ Former CPP Member.

Follow SMNI NEWS in Twitter