OPORTUNISTA at kapangyarihan lang ang gusto ng mga komunista.
Ito ang hayagang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ani Enrile, marami na sa mga ito ang hindi naniniwala sa ideolohiya ng komunismo at pera lang ang habol sa pagpasok sa komunistang grupo.
Kaugnay naman sa usapin ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Executive Order No. 23 o Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers.
Layon ng naturang EO na lumikha ng inter-agency body na tututok sa koordinasyon at pagsilbi ng resolusyon ng mga kaso ng mga manggagawa sa bansa.
Pinangangambahan naman ito ng iba’t ibang grupong kumakalaban sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF dahil baka magamit ng makakaliwang grupo.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Enrile na kanila itong titingnan lalo na sa posibilidad na magagamit nga ito ng mga kalaban ng estado.