NAGTAMO ang four-time NBA champion na si Stephen Curry ng partial dislocation sa kanyang kaliwang balikat at wala pang ibinigay na araw kung kailan ito makakabalik sa reigning NBA Champion na Golden State Warriors.
Inanunsyo ng GSW Team na sumailalim si Curry sa MRI exam sa Philadelphia kung saan naglaro ang Warriors at ibinunyag nito kung gaano kalala ang natamong pinsala ni Curry mula sa injury nito kontra sa laban nito sa Indiana.
Ayon sa team ni Curry, nakita sa MRI na nakaranas ang manlalaro ng left shoulder subluxation, kondisyon kung saan mayroong partial o incomplete dislocation ng isang joint.
Natamo ni Curry ang injury sa natitirang 2:04 na minuto ng ikatlong quarter ng laban dahil sa pagtatangka nitong agawin ang bola mula kay Jalen Smith ng Indiana.
Sa kabila ng pagkakatanggal nito sa laban, nagawang makapagtala ni Curry ng 28 points at seven assists at 7 rebounds laban sa Pacers.