INANUNSYO mismo ng Golden State Warriors na muling hindi makapaglalaro ang star player nitong si Stephen Curry ng hindi bababa sa isang linggo habang patuloy na nagpapagaling mula sa natamo nitong knee injury.
Nagtamo si Curry ng partial teas sa kanyang kaliwang knee ligaments and membranes at lower leg contusion noong February 4 sa kalagitnaan ng laban nito sa Dallas Mavericks.
Sinabi mismo ng Golden State Warriors na hindi ito maaaring makapaglaro ng karagdagang isang linggo at ibig sabihin ay hindi ito makasasali sa susunod na 4 na laro ng Warriors.
Matatandaan na hindi rin nakapaglaro si Curry ng 11 na sunod na laban noong December at January dahil naman sa natamo nitong left shoulder injury.