PINANGUNAHAN ng pamunuan ng GCash app ang isang workshop para sa mga miyembro ng PNP press corps.
Bahagi ito ng kanilang pinalawak na serbisyo sa bansa.
Tinalakay sa nasabing workshop ang mga paraan ng registration, product presentations, marketing at pag-iingat sa gitna ng makabagong panahon at paglaganap ng digital crimes gaya ng scam.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit na 16 milyong user ang GCash sa bansa.