Customs, kumita ng mahigit P1-B mula sa overstaying containers

TINATAYANG 3,154 na overstaying containers ang na-disposed ng Bureau of Customs (BOC) sa taong 2020.

Ayon ito sa  Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) at ng ACD Units sa lahat ng collection districts mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

Ang halagang PhP1,076,588,805 ay nagmula sa public auction ng 1,898 containers na naglalaman ng mga iba’t ibang items tulad ng mga television, tiles, plywood at iba pa.

Samantala, 270 containers naman ang i-dinonate habang 1,346 containers naman ang na-condemned.

Ayon sa Bureau of Customs, ang isinagawang disposal ng mga containers ay magreresulta  ng mas maayos na kalakaran sa loob ng Customs at pagkalinis ng lahat ng mga daungan.

Nagbigay daan rin ito sa mga paparating na shipments na naglalaman ng mga critical goods tulad ng pagkain, medical items, at personal protective equipments (PPEs).

Matatandaan, matapos ang lockdown sa kalagitnaan  ng Marso taong 2020, nakaranas ng congestion ang mga ports sa bansa  na naglagay sa mga ito sa peligro na mag-shutdown.

Ang mga hindi nakuhang containers ay nakasalansan lang, lalo na sa Metro Manila, dahil iilan sa mga pabrika ay nagsara at hindi mahatid ang mga  goods dahil na rin sa travel restrictions.

Sa ilalim ng Customs Memorandum Order No. 10-2020 na nilabas noong Abril 8, 2020, ang lahat ng mga cargoes na nag-overstay ng mahigit 30 araw mula sa petsa ng pagdischarge nito ay idedeklarang abandoned.

Samantala, sa  Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act, ay nagsasaad na ang Bureau of Customs ay autorisado ng batas na i-donate, gamitin o ibenta ang lahat ng mga kagamitan na inabanduna na.

Puwede namang i-donate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pagkain, gamot, damit o shelter materials.

SMNI NEWS