NANAWAGAN si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner Jr. na maging mapagbantay sa cyberspace para protektahan ang mga kabataan laban sa radikalisasyon.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Humanitarian Law (IHL) Month na may temang “IHL: Gabay sa Makataong Pagsulong ng Kapayapaan.”
Ayon kay Brawner, hindi na lamang nananatili sa kabundukan ang mga kalaban ngunit umuubos na rin sa cyberspace para sa radikalisasyon ng mga kabataan.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Brawner ang pagpapatupad ng RA 11188 o Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict para sa kapakanan ng mga kabataan sa bansa.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Brawner na dahil sa patuloy na focused military operations ay malapit na nilang matamo ang “total victory” at ang kapayapaan kontra communist terrorist groups.