MAGBABALIK muli sa music scene si D.O. ng K-pop boy group na EXO sa pamamagitan ng pag-release ng 3rd mini album ngayong Mayo 7, 2024.
Sa Instagram post ng Company Soosoo o ang kompanyang itinayo mismo ng singer, “Blossom” ang pamagat ng kaniyang magiging album.
Setyembre 26, 2023 nang ilabas ni D.O. ang kaniyang 2nd mini album na “Expectation” sa ilalim ng dating talent agency nito na SM Entertainment.
Samantala, tutungo naman si D.O. sa Pilipinas ngayong Agosto 31 para sa isang concert, subalit iaanunsiyo pa ang magiging venue nito.