Tatanggalin na ng DA ang ban sa poultry mula Brazil matapos nitong iulat na bird flu-free na.
AALISIN na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban para sa poultry products mula Brazil.
Kasunod ito ng pagdeklara ng naturang bansa na malaya na sila sa bird flu.
Ayon sa Embahada ng Brazil sa Maynila, humiling na ang Brasilia sa mga awtoridad ng Pilipinas na alisin ang ban sa kanilang mga produktong manok.
Ipinatupad ng DA ang import ban mahigit isang buwan na ang nakalipas matapos maiulat ang outbreak ng bird flu sa Brazil.