INAMIN ng Department of Agriculture (DA) na may shortage sa suplay ng kamatis sa bansa dahilan kung bakit nananatiling mataas ang presyo nito sa merkado.
Ayon sa ahensiya, ito ay dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo noong nakaraang taon partikular sa Region 2, 5 at 4A.
Sa ngayon kasi naglalaro sa P250/kg-P400/kg ang presyo ng kamatis sa ilang pamilihan sa Metro Manila.