DA at FDA nagkasundo para sa mga programa vs. ASF, bird flu

DA at FDA nagkasundo para sa mga programa vs. ASF, bird flu

TINIYAK ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang suporta sa mga programa ng Department of Agriculture (DA) upang mapigilan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa mga alagang hayop.

Ito ay kaugnay sa epekto ng African Swine Fever (ASF) at Avian Influenza (AI) sa industriya ng baboy at manok sa bansa na nagdulot ng pagkaantala sa mga supply chain ng pagkain.

Sa napagkasunduan ng dalawa, ang pagkakaroon ng de-kalidad na veterinary vaccines ang nakikita nilang mainam na solusyon sa ASF at bird flu.

Kaugnay rito ay sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago muling bumalik sa pre-ASF level ang populasyon ng baboy sa bansa.

Tungkol naman sa bird flu, sinabi ng DA noong Enero na isinusulong nito ang agarang pag-apruba ng mga bakuna ng FDA.

Sinabi rin ng ahensiya na kumikilos ito upang makuha ang P300M na hiling ng National Livestock Program para pondohan ang pagsusuri ng mga bakuna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble