DA at JICA, bubuo ng vegetable value chain program para sa Pilipinas

DA at JICA, bubuo ng vegetable value chain program para sa Pilipinas

NAGKAISA ang Department of Agriculture (DA) at Japan International Cooperation Agency (JICA) tungo sa pagsagawa ng vegetable value chain program para sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, isang 5 year Market Driven Enhancement of Vegetable Value Chain Project (MV2C) ang bubuuin nila alinsunod na rin sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos tungo sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Sa katunayan, sinimulan na ang value chain survey sa Benguet at Quezon na kilala bilang vegetable producing provinces.

Maliban pa sa MV2C, nagsagawa rin ng workshops ang DA para ma i-validate ang survey results at magawa na ang roadmap.

Tampok sa workshops ang vegetable industry stakeholders, magsasaka, mga kaugnay na government agencies at iba pa.

Ang naturang roadmap ay magiging susi upang matukoy ang mga hamon at solusyon tungo sa pagkakaroon ng stable na vegetable chain sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter