DA, BOC nagsagawa ng inspeksiyon sa isang warehouse sa Navotas City ngayong araw

DA, BOC nagsagawa ng inspeksiyon sa isang warehouse sa Navotas City ngayong araw

NAGSAGAWA ng inspeksiyon si Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., kasama ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC), sa isang warehouse sa Navotas City, umaga ng Lunes, Agosto 19, 2024.

Naglalaman ito ng smuggled agri products mula China na nagkakahalaga ng higit P49-M.

Ayon sa kalihim, wala itong phytosanitary permit dahilan kaya hindi ito ligtas kainin.

Matatandaang, nasabat din ang mga smuggled na puting sibuyas, kamatis, carrots at mushroom noong Agosto 15.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble