DA, bumuo ng ORION program bilang suporta sa local industry

DA, bumuo ng ORION program bilang suporta sa local industry

BUMUO ng isang programa ang Department of Agriculture (DA) na tinawag na ORION (Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network) program.

Ito ay bilang suporta sa mga local industry para pataasin ang kanilang produksyon at kita sa pagnenegosyo ng sibuyas.

Kamakailan lang nang magsagawa ang DA ng stakeholders meeting na kinabibilangan ng mga grower trader, importer alinsunod sa utos ng Pangulo.

Iba’t ibang isyu ang napag-usapan sa pagpupulong kabilang na ang hindi naabot na 260,000 metric tons ng produksyon ng sibuyas ngayong taon.

Kaya naman, naniniwala ang Pangulo na ang ORION program ay makakatulong sa pag-promote ng competitive, resilient, at profitable onion industry.

Ito ay para magkaroon ng high quality, safe, affordable, at sustainable na supply ng sibuyas na makakasagot sa pagtaas ng domestic demand.

Sa ilalim din ng ORION, maisusulong ang innovative farming technologies maging ang value-adding processes para maparami ang produksyon ng sibuyas at tumaas ang income.

Follow SMNI NEWS in Twitter