BINIGYAN ng 6-buwang ultimatum ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang dalawang mataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA).
Ito ay matapos bigong magawa ang kanilang obligasyon o tungkulin sa trabaho na makatutulong na matugunan ang hamon sa sektor ng agrikultura.
Gayunpaman, hindi na pinangalanan ng kalihim ang dalawa pero sa oras aniya hindi pa nito magampanan ang trabaho ay maaari silang mawala sa posisyon.