DA, hindi nakikita ang paglalagay ng SRP sa kamatis sa kabila ng pagtaas ng presyo

DA, hindi nakikita ang paglalagay ng SRP sa kamatis sa kabila ng pagtaas ng presyo

HINDI pa nakikita ng agriculture department ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa kamatis sa kabila nang pagtaas ng presyo nito.Paliwanag ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, na pabago-bago kasi ang presyo ng mga agricultural commodities depende sa sitwasyon nito.

Karaniwang nagmamahal ang presyo nito kung may kakulangan sa suplay at apektado bunsod ng masamang panahon.

‘’Then again ‘yung SRP or any price control ay medyo mahirap ‘yun kasi not unlike nung delata kapag mayroong problema diyan ay ang daling tanggalin nung delata. ‘Yung agri produce kasi ay mahirap at iba-iba ‘yung costs of production sa bawat lugar. So, ‘yung SRP ng kamatis or ng any agricultural commodities ay might not be sustainable,’’ ayon kay Asec. Arnel de Mesa

‘’For now, wala pang ganong usapin,’’ dagdag nito.

Sa price monitoring ng DA, naglalaro na sa 180 to 310 pesos ang kada kilo ng kamatis sa ilang palengke sa Metro Manila.

Kaugnay niyan, ikinukonsidera rin ng DA na posibleng may manipulasyon kung bakit patuloy ang pagsirit sa presyo ng kamatis sa pamilihan.

‘’Tutukan naman ‘yan ng aming enforcement and inspectorate Office na anythings na may kaugnayan sa possible smuggling issue,’’ saad nito.

Most likely ay profiteering kasi karamihan naman ng kamatis natin ay locally produce ‘yung mga table tomatoes natin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble