DA, hinihimok ang mga nasa Metro Manila na mag-avail sa binuksang Kadiwa stores

DA, hinihimok ang mga nasa Metro Manila na mag-avail sa binuksang Kadiwa stores

HINIHIMOK ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang publiko partikular na sa Metro Manila na mag-avail na sa mga binuksang Kadiwa ng Pangulo stores.

Ayon sa DA, bukas ito simula pa noong Marso 18 at magtatapos ito hanggang Marso 27, 2024.

Nasa 160 tonelada ng abot-kayang highland vegetables ang available sa nabanggit na Kadiwa stores.

Para sa lokasyon at schedules ng Kadiwa, maaaring bisitahin ang Facebook page na DA Agribusiness-AMAS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble