HINIHIKAYAT ngayon ang Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng price control sa mga isda dahil sa biglaang pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.
Ayon sa mga grupo ng mangingisda, hindi dahil sa bagyo ang pagtaas ng presyo nito kundi dahil lang sa traders na nananamantala dahil sa nangyaring kalamidad.
Sa ngayon, batay na rin sa monitoring ng DA sa ilang pamilihan sa Metro Manila, nasa pagitan ng P200 – P360 per kilo ang retail price ng galunggong.
Nasa P110 – P180 per kilo naman para sa tilapia at P150 – P220 per kilo sa bangus.
Follow SMNI News on Rumble