BUMUO na ang Department of Agriculture (DA) ng special committee upang imbestigahan ang umano’y korupsiyon sa alokasyon ng meat import certificates sa ilalim ng in-quota Minimum Access Volume (MAV) scheme.
Ang nasabing komite ay pinamumunuan ng legal service chief ng DA at ibabase nito ang imbestigasyon sa initial findings ng DA-MAC secretariat.
Nauna nang nagpatawag si Senator Panfilo Lacson ng imbestigasyon sa umano’y nangyayaring alegasyon sa loob mismo ng DA na maaaring nakakakuha ng bilyun-bilyong piso mula sa “tongpats”.
Ayon kay Lacson, mayroong mga ulat na nagpapataw umano ang ilang opisyal ng DA ng “tongpats” o patong na nagkakahalaga ng P5 hanggang P7 kada kilo ng imported pork.
(BASAHIN: Tongpats system sa loob ng Department of Agriculture, iimbestigahan sa Senado)