INATASAN ng Department of Agriculture (DA) ang Bureau of Animal Industry (BAI) na bawasan ang kakulangan sa mga itlog sa bansa bunsod ng avian flu at mataas na halaga ng feeds.
Ayon kay Agriculture Deputy Spokesman Rex Estoperez na hiniling niya sa BAI na gumawa ng imbentaryo ng produksyon at pagkonsumo ng itlog.
Aniya kailangang tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga itlog dahil hindi posible ang pag-import ng mga itlog.
Samantala magbibigay naman ng tulong ang BAI para ma-engganyo ang mas maraming negosyo na makipagsapalaran sa chicken layers.