IPINAGBAWAL ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga baka at iba pang produkto mula sa Netherlands kung saan naiulat ang pagsiklab ng mad cow disease.
Inilabas ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang Memorandum Order 16, na nagbabawal sa mga karne, mga produkto, protina ng hayop na proseso ng baka, at mga semilya nagmula sa Netherlands.
Ayon kay Panganiban, ang mga kamakailang kaso ng BSE (bovine spongiform encephalopathy) o karaniwang kilala bilang mad cow disease sa Netherlands ay maaaring magdulot ng panganib sa mga mamimili.
Samantala ipinag-utos din ng DA ang pansamantalang pagbabawal sa manok at iba pang poultry products mula sa Turkiye dahil sa mga kaso ng avian influenza.