SINAMPAHAN ng reklamo ng Department of Agriculture ang JRA and Pearl Enterprises Inc. dahil sa pag-aangkat ng 25 metrikong tonelada ng sariwang dilaw na sibuyas mula China na walang permit.
Dumating ang shipment sa South Harbor, Manila noong Hulyo 2024.
Matatandaang ipinagbawal ng Bureau of Plant Industry ang pag-isyu ng import permits para sa dilaw na sibuyas mula Enero 1 hanggang Agosto 19, 2024, dahil sa sapat na suplay sa lokal na merkado.