DA, magtatakda ng price cap sa mga imported na sibuyas

DA, magtatakda ng price cap sa mga imported na sibuyas

MAGTATAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng price cap sa retail price ng imported na sibuyas upang matiyak na hindi makapinsala ang mga outsourced na sibuyas sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay DA Deputy Spokesman Rex Estoperez, ang kagawaran ay tumitingin sa pagitan ng P100 at P150 kada kilo, na dapat isaalang-alang ang halaga ng produksyon ng mga magsasaka.

Aniya, kailangan nilang lagyan ng cap ang mga imported dahil napakamahalaga ang final figure sa halaga ng produksyon.

Samantala nagsimula nang dumating sa bansa ang mga inangkat na sibuyas.

Follow SMNI NEWS in Twitter