DA mahigpit na babantayan ang produksiyon ng gulay at iba pa ngayong tag-init

DA mahigpit na babantayan ang produksiyon ng gulay at iba pa ngayong tag-init

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang mahigpit na pagbabantay sa produksiyon at presyo ng gulay at iba pang agricultural products.

Ito’y habang kinakaharap ng bansa ang matinding init ngayong tag-init.

Kabilang sa kanilang mga hakbang ang paggamit ng plastic mulch sa mga taniman ng gulay, maliit na pump irrigation system, drip water fertigation technology at sapat na reserba ng tubig-ulan sa rainwater shelters.

Nauna nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang inaasahang madalas na heat index na aabot sa 43–44 degrees Celsius sa ilang mga lugar.

Halimbawa na rito ang Cavite, Metro Manila, Batangas, Pangasinan, Bulacan, Isabela, Mindoro at Zamboanga del Norte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble