DA, nagbabala sa mga nagmamanipula sa presyo ng manok sa merkado

DA, nagbabala sa mga nagmamanipula sa presyo ng manok sa merkado

MALAYO na sa risonableng presyo ang bentahan ng karneng manok ngayon sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ng United Broiler Raisers Association (UBRA) matapos makatanggap ng reklamo.

Kinumpirma rin ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling mataas ang presyo ng manok sa merkado partikular na sa Munoz market na naglalaro sa P250 kada kilo.

Pero, kung pagbabasehan daw ang presyuhan sa farm gate nito ay di hamak na mababa lamang.

‘’Yung P250 ay mataas kumpara doon sa prevailing farm gate price nila ngayon ‘yung regular size sa Tarlac at Pangasinan ay P140 ang Batangas is P138. Ang average regular size is P139 so normally ang patong dito ay between P50 to P70 papunta sa palengke. Tama lang ‘yung presyo na P200 to P210, P250 is really tumaas,’’ ayon kay Asec. Arnel De Mesa Spokesperson, DA.

Aminado ang DA na mayroong nananamantala sa presyo sa manok partikular sa Munoz market kung saan mataas ang presyo sa kada kilo.

‘’May nananamantala kaya tutukan namin itong palengkeng na ito at nasabihan na naman itong Munoz market why there are selling at P250 (jump). In some areas we’re also monitoring na tumataas ang farm gate price especially sa Visayas and Mindanao,’’ saad nito.

Patong-patong na kaso ang maaaring kaharapin sa mga nananamantala sa presyo ng produktong agrikultural.

Marami aniya ang kailangang bantayan kabilang na mga retailer at maging ang mga trader na nagbabagsak ng karneng manok sa naturang palengke.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on