NAGHAIN na ang Department of Agriculture (DA) ng reklamo laban sa importer na umano’y sangkot sa smuggling na nagkakahalaga ng P20.8M na carrots at puting sibuyas sa Subic.
Nangyari ang smuggling na ito noong Agosto 2024 kung saan limang shipping containers ang idineklarang frozen fish egg balls.
Ngunit nang isalang nga sa inspeksiyon ay nakita ang mga carrot at puting sibuyas.
Ang importer na tinutukoy ay ang Betron Consumer Goods Trading.